Long Walk To Freedom
(sanaysay mula sa South Africa)
ni Mielad Al Oudt Allah
Salin ni Marina Gonzaga-Merida
1.)
Pagkilala sa may-akda
a.
Ang
may-akda ay si Mielad Al Oudt Allah. Siya ay nag-aaral noon ng kanyang Master’s
degree sa larangan ng politika nang likhain niya ang isang sanaysay patungkol
sa libro ni Nelson Mandela na “Long Walk To Freedom” upang ihanda ang kanyang
kakayahang maging pinuno at tinitingnan niya kung paano maaapektuhan ng akda
ang kanyang buhay.
2.)
Uri ng panitikan
a.
Ang
uri ng panitikan ay isang sanaysay. Ito ay nagpapakita ng kaisipan at nagtuturo
ng aral at maihahalintulad ito sa pagkuha ng may akda (Mielad Al Oudt Allah) ng
inspirasyon kay Nelson Mandela at pagkuha ng aral mula sa akdang “Long Walk To
Freedom”.
3.)
Layunin ng akda
a.
Isinulat
ang sanaysay na ito upang magsilbing aral sa mga taong makakabasa nito. Ang
kwento ni Nelson Mandela na siyang paksa sa sanaysay ay maaaring magsilbing
inspirasyon ukol sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa mundo.
4.)
Tema/Paksa ng akda
a.
Ang
tema o paksa ng akda ay patungkol sa paglaban sa diskriminasyon at
pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay na pananaw sapagkat ipinapakita rito na
hindi kailanman naging at magiging basehan ang kulay o lahi sa kalayaan ng
bawat isa.
5.)
Mga Tauhan/Karakter sa akda
a.
Nelson Mandela
i. Siya ay isang
anti-apartheidrevolutionary, lider ng pulitika, at pilantropo ng South Africa
na nagsilbi bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Siya ang
unang itim na pinuno ng bansa at ang unang inihalal sa isang ganap na kinatawan
ng demokratikong halalan. Siya ang
nagsilbing inspirasyon ni Mielad Al Oudt Allah sa paglikha ng sanaysay.
b.
Gadla Henry Mphakanyiswa
i.
Siya ang ama ni Nelson Mandela na siyang pinuno ng bayan ng Mrezo. Ang
maagang pagkamatay ng kanyang ama ay isa sa mga dahilan kung bakit kinailangan
ni Mandela na iwan ang kinagisnang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
c. Noqaphi Nosekeni
i. Siya ang ina ni Nelson Mandela. Ang
kagustuhan ng kanyang ina na magkaroon siya ng magandang kinabukasan ay isa rin
sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Mandela na iwan ang kinagisnang nayon
at mamuhay sa bagong kapaligiran.
d. Gobernador Mqhkezweni
i. Nakaimpluwensiya kay Nelson Mandela
sa diwa ng demokrasya na nangangahulugang ang lahat ay pantay-pantay
6.)
Tagpuan/Panahon
a. maliit na nayon sa rehiyon ng Transkei
i. Dito isinilang si Nelson Mandela.
b. bayan ng Mrezo
i. pook kung saan namumuno ang ama ni
Nelson Mandela na si Gadla Henry Mphakanyiswa
c. Unibersidad ng South Africa
i.
Paaralan kung saan nagtapos ng Bachelor of Arts si Nelson Mandela
d. minahan ng karbon sa Johannesburg
i. pansamantalang naghanap ng
trabaho si Nelson Mandela kasama ang isang kaibigan.
e. Johannesburg
i. pook kung saan nakatayo ang sarili niyang kompanya ng panananggol
(law firm) na nagbigay ng mababa at
libreng serbisyong legal sa mga “itim” na kadalasang walang tagapagtanggol.
f. South Africa
i. bansang kanyang (Nelson Mandela)
pinamunuan.
7.)
Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
a.)
Panimula
-
Introduksyon at pagsasalarawan ng mga suliraning kinakaharap ng South Africa. Dito
rin sinimulang ipakilala si Nelson Mandela at ang kanyang talambuhay. Ito ay
nagtatapos sa pagsisimula ng pagsasalaysay ng buhay ni Nelson Mandela.
b.)
Saglit na kasiglahan
-
Nagsimula ito sa pagsasalaysay ng buhay ni Nelson Mandela at pagpapakilala sa
kanyang mga magulang at sa kanilang mga suliranin.
c.) Tunggalian (tao laban sa
kapwa)
-
Ipinaglalaban ni Nelson Mandela ang diwa ng pagkakapantay-pantay, kahit sino
pang kumalaban sa kanya ay patuloy niyang pinapatunayan at ipinaglalaban ang
karapatan ng bawat isa na hindi nababase ang antas ng tao depende sa kanyang
kulay o lahi.
d.)
Kasukdulan
-
Dito ipinapakita ang mga suliranin na humubog sa pagkatao ni Nelson Mandela at
ang mga mabibigat na karanasang naging pangunahing salik sa pagbuo ng kanyang
katauhan at panuntunan sa buhay.
e.)
Kakalasan
-
Dito na isinalaysay ang narating sa buhay ni Nelson Mandela at dito rin
ipinapakita ang patuloy na paglaban niya sa diskriminasyon.
f.)
Wakas
-
Dito na ipinaliwanag na ang kanyang kabataan ay puspos ng pagmamahal sa kabila
ng mapanghamon na buhay. Dito isinalaysay ang kanyang hangarin na ipagtanggol
at ipaglaban ang kalayaan ng South Africa.
8.) Mga Kaisipan o Ideyang taglay ng akda
-
Taglay nito ang ideya na ipakita sa mga mambabasa na hindi kailanman naging
basehan ang kulay, lahi, at kultura upang magkaroon ng kalayaan at boses ang
bawat isa. Ang isa pang ideyang taglay nito ay ang pagbibigay ng lakas ng loob
sa mga tao at para ikintal sa mga kaisipan ng bawat isa na mayroong mga taong
maaaring makatulong at magsilbing inspirasyon sa atin.
9.) Istilo ng pagkakasulat ng akda/teoryang pampanitikan
- Ang
istilo ng pagkakasulat ng akda ay nasa istilo ng pagsasalaysay.
Teoryang Pampanitikan
1.)
Humanismo – naipapakita sa akda na tao ang
sentro nito at diskriminasyon ang pangunahing suliraning kinakaharap.
2.)
Realismo – Ipinapakita ang hindi pantay na
pagtrato ng mga “puti” sa mga “itim” at sila ay nadidiskrimina sa kadahilanang
sila ay “itim”. Dito naipapakita ang
kawalan ng katarungan.
3.)
Sosyolohikal – Naipapakita ang ugnayan ng tao
(Nelson Mandela) sa lipunan. Ang pangunahing suliraning panlipunan ay kawalan
ng pagkakapantay-pantay sa lipunan.
10.) Buod
- Laganap ang opresyon at ang diskriminasyon
sa South Africa. Matagal nang dinadanas ng South Africa ang suliraning ito. Ang
talambuhay ni Nelson Mandela ay nagbibigay-linaw sa kanyang ambag sa mundo sa
pagkakapantay-pantay ng bawat isa.
Ang kanyang aklat ang humihikayat kay Mielad
Al Oudt Allah na may nakatagong “Nelson Mandela” sa bawat isang tao na
naghihintay ng tamang oras at tamang pagkakataon para umusbong. Hindi naging
madali ang kabataan ni Mandela at dahil sa mga pagsubok ng buhay ay nahubog at
tumibay ang kanyang pagkatao at patuloy na ipinaglaban ang tama.
Lumaki si Mandela sa mundo na kung saan
hindi pantay ang pagtingin sa tao. Ang kanyang pantay na pananaw at malakas na
paninindigan sa buhay ang siyang nagsaayos ng lahat. Dito naipapakita na ang
pananaw sa buhay ng isang tao ay maaaring bumago sa pananaw ng buong mundo.
i. Nakaimpluwensiya kay Nelson Mandela sa diwa ng demokrasya na nangangahulugang ang lahat ay pantay-pantay
i. pook kung saan nakatayo ang sarili niyang kompanya ng panananggol (law firm) na nagbigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga “itim” na kadalasang walang tagapagtanggol.
a.) Panimula
- Introduksyon at pagsasalarawan ng mga suliraning kinakaharap ng South Africa. Dito rin sinimulang ipakilala si Nelson Mandela at ang kanyang talambuhay. Ito ay nagtatapos sa pagsisimula ng pagsasalaysay ng buhay ni Nelson Mandela.
- Nagsimula ito sa pagsasalaysay ng buhay ni Nelson Mandela at pagpapakilala sa kanyang mga magulang at sa kanilang mga suliranin.
- Ipinaglalaban ni Nelson Mandela ang diwa ng pagkakapantay-pantay, kahit sino pang kumalaban sa kanya ay patuloy niyang pinapatunayan at ipinaglalaban ang karapatan ng bawat isa na hindi nababase ang antas ng tao depende sa kanyang kulay o lahi.
- Dito ipinapakita ang mga suliranin na humubog sa pagkatao ni Nelson Mandela at ang mga mabibigat na karanasang naging pangunahing salik sa pagbuo ng kanyang katauhan at panuntunan sa buhay.
- Dito na isinalaysay ang narating sa buhay ni Nelson Mandela at dito rin ipinapakita ang patuloy na paglaban niya sa diskriminasyon.
- Dito na ipinaliwanag na ang kanyang kabataan ay puspos ng pagmamahal sa kabila ng mapanghamon na buhay. Dito isinalaysay ang kanyang hangarin na ipagtanggol at ipaglaban ang kalayaan ng South Africa.
No comments:
Post a Comment