Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota
Pagkilala sa may-Akda
-Si Saadat Noury ay isang Iranian author, makata, at isang mamamahayag
Ang kaniyang buong pangalan ay Manhchehr Saadat Noury. Siya ay ipinanganak Noong 1939 sa Tehran, Iran.
Uri ng Panitikan-
-Ang "Mullah Nassredin" ay isang uri ng Anekdota dahil ito ay nakabatay sa personal Karanasan ng manunulat na kalimitan ay nakakahiya o nakakatuwa ngunit may aral.
Layunin ng may Akda-
-Ang layunin ng may akda ay maibahagi ang kaniyang personal na karanasan at makapagpasaya sa mga Iranian o mga tao sa pamamagitan ng pagsulat niya ng mga Anekdota.
Tema o Paksa ng may Akda-
-Ang paksa tema o paksa ng anekdotang "Mullah Nassredin" ay katatawan. Ang katatawanan ay lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kaniyang bibig.
Mga Tauhan/Karakter sa Akda-
1. Si mullah- Si mullah ang naimbitahan upang magbigay ng talumpati
2. Mga Tao- Ang mga tao naman ang mga dumalog sa talumpati ni Mullah Nassredin
Tagpuan/ Panahon-
Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari
Pangunahing pangyayari- Ipinakilala si Mullah Nassredin
Tunggalian- Tao laban sa tao
Kasukdulan- Umalis si Mullah matapos niya sabihin na kung hindi nila alam ang gaagwin niya ay hindi niya pagaaksayahan ng panahon ang magbigay ng talumpati.
Kakalasan o Pababang aksyon- Umalis si Mullah matapos niya sabihin sa mga tao na kung alam na nila ang kaniyang gagawin ay wala na dapat siyang sabihin.
Wakas ng Pangyayari- Sinabi niya sa mga tao na dapat sagutin ng mga taong may alam ang mga taong walang alam sa kaniyang gagawin.
Mga kaisipan o Ideyang taglay ng Akda-
Ang akdang tungkol sakaniya ay naghahatid ng isang praktikal na kaisipan. Mababasa mo sa akda kung gaano ka totoo si Mullah. Siya ay isang mangkukukwento ng katatawanan at pinangangatawanan niya ito sa totoong buhay.
Istilo ng Pagkakasulat ng may Akda/ Teoryang Pampanitikan-
Bayograpikal- Dahil nailalantad ang ilang bahagi ng buhay ng manunulat at sinasalamin ng akda ang katauhan ng manunulat na nakadaragdag sa kagandahan at kaisipan nito.
Sikolohikal- Dahil ipinakita sa akda na ang tao ay nagbago ang ugali dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
Pisikal- Dahil ang akda ay tumatak sa mga tao lalo na sa mga Iranian.
Buod-
Inanyayahanan si Mullah Nasserdin upang magsalita at magtalumpati sa harap ng naraming tao. Sa kaniyang pagsisimula ay nagtanong si Mullah, “Alam ba nino ang aking sasabihin?” Marami ang sumagot nang “Hindi.” Sumagot naman siya at sinabing “Wala akong panahong magsalita sa mag taong hindi alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis at iniwang napahiya ang marami. Kinabukasan ay inimbitahan siyang muli. Muli niyang tinanong ng kaparehong tanong ang mag tao at sa pagkakataong ito ay sumagot sila ng “Oo.” Sumagot si Mullah Nasserddin at sinabing “Kung alam na pala ninho ang aking sasabihin ay hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” at suya ay umalis. Nalito ang lahat sa kanyang sagor kaya inimbitahan nila ito muli. Sa ikatlong beses ay tinanong ni Mullah Nasserddin, “Alam ba nino ang aking sasabihin?” Kalahati ng mga dumalo ay sumagot ng “Hindi” at kalahati naman ay “Oo.” Sumagot siya at sinabi, “Ang kalahati ay alam na ang aking sasabihin, kaya’t kayo na ang magsabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota
Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota Pagkilala sa may-Akda -Si Saadat Noury ay isang Iran...
-
SINTAHANG ROMEO AT JULIET ni William Shakespeare Mula sa Inglatera PAGKILALA SA MAY-AKDA: Si William Shakespeare ay isang Ingles na...
-
LIONGO (MITO MULA SA BANSANG KENYA) ISINALIN SA FILIPINO NI...
-
PAGLISAN ( Things Fall Apart, Isang nobela mula sa Nigeria) Ni Chinua Achebe Ibinuod at isinalin sa Filipino ni Julieta Rivera PA...
No comments:
Post a Comment