LIONGO
(MITO MULA SA BANSANG KENYA)
ISINALIN SA FILIPINO NI RODERIC P. URGELLES
1.Pagkilala sa May-akda
Ang mitong ito ay matanda na at dahil dito ay hindi na nalaman kung sino ba talaga ang tunay na sumulat o may-akda nito. Ito ay naging pagmamay-ari na ng mga tao.Si Roderic P. Urgelles ang nagsalin ng Liongo sa wikang filipino.Ang pagsasaling wika ay isang napakahalagang bagay upang lubusang maipaintindi ang isang ideya sa isang nagsasalita ng ibang wika.Iainalin niya ito marahil mas madali nating maiintindihan ang kwento kung ito ay mababasa natin sa ating wika.Madali nating malaman kung ano ba talaga ang nais iparating ng akda.
2.Uri ng PanitikanAng Liongo ay isang uri ng mito.Ang mitolohiya ay pag-aaral sa mga mito at alamat. Ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Ang klasikal na mitolohiya ay naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan na sinasamba ng sinaunang tao. Kahit hindi kapani-paniwala, ito ay itinuturing na banal at totoong naganap. Ang mito ay kabilang sa kuwentong-bayan ng Pilipinas.Ang kalimitang paksa nito ay tungkol sa simula ng daigdig, mga unang lalaki at babae, at pinagmulan ng araw at gabi.
3.Layunin ng AkdaAng layunin ng akda ay magbigay kaalaman patungkol sa kanilang mga kultura at tradisyon. Naglalayon din itong magbigay aral at aliw sa mga mambabasa nito.
4.Tema/Paksa ng AkdaAng tema o paksa ng akda ay maihahalintulad din sa ibang mga kwento na atin ng nabasa. Patungkol sa isang lalaki na itinuturing na bayani ng mga tao dahil sa angking laki at lakas niya. Ito tungkol kay Liongo sa kanyang buhay at iba't ibang pagsubok na kanyang kinaharap kung paano niya ito nilagpasan.
5.Mga Tauhan/ Karakter sa AkdaLiongo - Siya ay malakas at kasintaas ng isang higante. Bayani ng mga mamamayang Swahili at Pokonio sa silangan ng Kenya.
Mbwasho - Siya ang ina ni Liongo.
Sultan Ahmad - Siya ang pinsan ni Liongo at hinirang na bagong hari ng Pate.
Watwat - Sila ang mga nananahan sa kagubatan.
6.Tagpuan/PanahonSinaunang sibilisasyon ng bansang Kenya - Dahil ang Liongo ay isang uri ng mito, maari nating sabihin na ito ay naganap noong unang panahon o noong unang sibilisasyon ng Kenya.
Kenya -Isa sa pitong bayan sa baybayin nito ang pinagmulan ni Liongo.
Ozi at Ungwana -Ilang mga lupain na pinaghaharian ni Liongo na matatagpuan sa Tana Delta.
Shanga sa Fosa -o Isla ng Pate lupain na sakop rin ni Liongo.
Bilangguan -pinagkulungan kay Liongo
Kagubatan -tinirhan ni Liongo pagkatapos makatakas kasama niya dito ang mga Watwa.
7.Nilalaman/ Balangkas ng mga PangyayariSimula- May isang sanggol na lalaki ang ipinanganak sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya. Siya ay may natatanging lakas at may isang lihim na kahinaan. Saglit na kasiglahan- Ito ay ang pagiging hari ni Liongo ngunit isang araw ay pinalitan siya ng kanyang pinsan na si Sultan Ahmad. Tunggalian- ( tunggaliang tao laban sa tao ) nang si Liongo ay ibinilanggo at ikinadena ng kanyang pinsang si Haring Ahmad dahil nais niya na mawala ito. Kasukdulan- nang si Liongo ay nakakulong inawit ng mga tao sa labas ng bilangguan ang kanyang mga kanta dahil sa ingay ay nakalag ang mga tanikala niya.Kaya naman siya ay nakatakas at nanirahan sa kagubatan at nagsanay. Kakalasan- nang si Liongo ay nagtagumpay sa isang paligsahan kung saan ang hari nito ay nagpasyang ipakasal ang kanyang anak na babae kay Liongo upang mapabilang ang bayani sa kaniyang pamilya. Wakas- Si Liongo ay nagkaroon ng anak na lalaki na kalaunan ay nagtaksil at pumatay sa kaniya.
8.Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Ang mga kaisipan o ideyang taglay ng akda aykakaiba.Ito ay nag bibigay aral tulad ng "huwag agad-agad mag titiwala", " mayroon talagang mga tao na ayaw o galit sayo", "kahit kadugo mo ay maaari ka paring traydurin". Ito ay may kakaibang pagtatapos na hindi karaniwang maiisip ng mga mangbabasa.
9.Istilo ng Pagkakasulat ng Akda/ Teoryang PampanitikanTeoryang Klasismo- ito ay dahil ang kwento ng akdang Liongo ay ang tipikal na kwento ng mga bayani na malakas at hindi madaling masugatan .Ang ganitong mga istorya ay hindi kailanman naluluma o nalalaos.
Teoryang Realismo- ito ay dahil sa akdang ito ginamit ng kanyang pinsang si Haring Ahmad ang kanyang kapangyarihan upang ipadakip si Liongo.Ang ganitong mga pangyayari ay totoong nagaganap maraming may mga kapangyarihan ang inaabuso ang kanilang lakas.
Teoryang Eksistensyalismo- ito ay dahil nagawang mag desisyon ni Liongo para sa kanyang sarili ang manirahan na lamang sa kagubatan matapos niyang makatakas.
10.Buod
Bless you, you out here saving lives. Thank you so much<3
ReplyDelete