PAGKILALALA SA MAY AKDA
-Nakapagtapos
ng pag-aaral sa Sainte-Croix-du-Mans at sumubok sumali sa Navy sa Switzerland
-Siya’y
nahirang bilang pambangsang bayani ng Pransya
Si
Antoine de Saint-Exupéry ay ipinanganak sa Lyon, France noong Hunyo 29, 1900.
Ipinanganak sa isang aristokratikong katolikong pamilya. Nauna siyang magpalipad
ng eroplano sa edad na labindalawa, natanggap niya ang kaniyang Pilot's Wings
noong taong 1922, panahon kung kailan din siyang magumpisang magsulat. Siya ay
isang manunulat, manunula at piloto.
Nag-aral
siya sa Villa St. Jean International School. Ang mga sumusunod ay kaniyang mga
parangal na nakamit:
-Légion
d'honneur(1930,1939)
-Prix
Femina (1929)
-Grand
Prix du roman de l'Académie française(1939)
-U.S.
National Book Award(1940)
-Croix
de guerre (1940)
-Prix
des Ambassadeurs(posthumous)
-Croix
de guerre avec palme (1944) (posthumous)
Dahil
sa katungkulan niya bilang isang piloto sa panahon ng Pangalawang Pandaigdigang
Digmaan, nawala siya sa Mediterrenean sa isang reconnaissance mission noong
Hulyo 1944, at pinaniniwalaang ito na rin ang araw ng kaniyang kamatayan.
Pagkatapos ng giyera, siya ay nakakuha ng katanyagan bilang isang Pranses na
manlilipad.
PAGKAKAUGNAY
Nakilala ng munting prinsipe
ang mga iba pang tauhan sa kanyang paglalakbay at ang heograpo ang dahilan kung
bakit nakarating sa planetang daigdig ang munting prinsipe. Mahalaga ang papel
ng ahas sapagkat siya ang makakatulong sa prinsipe makabalik sa kanyang planeta.
URI NG PANITIKAN
Nobela – akdang-buhay o
kathambuhay. Ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata.
Petsa
ng paglimbag 1943
LAYUNIN NG MAY AKDA
“Narito
ang lihim ko. Napakasimple nito: sa pamamagitan ng puso makakakitang mabuti.
Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay.” –Alamid
-Ipaalam
sa mga mambabasa mas lalo na sa mga nakakatanda na ang mga mahahalagang bagay
sa buhay ay hindi nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.
TEMA O PAKSA NG AKDA
-Makitid
na pag-iisip
-Paglalakbay,
Adbentura
-Pagkakaroon
ng relasyon ay natuturo ng responsibilidad
3 PANGUNAHING TAUHAN
1. Ang
Munting Prinsipe – ang bida ng ating kwento, nagmula sa ibang planeta
2. Ang
Piloto – ang tagapagsalaysay sa kwento
3. Ang
Alamid – ang nagturo sa prinsipe ng napakamahalagang bagay.
IBA PANG TAUHAN
- Ang
Rosas
- Ang
Hari
- Ang
Hambog
- Ang
Lasenggo
- Ang
Mangangalakal
- Ang
Tagasindi ng ilaw
- Ang
Heograpo
- Ang
Ahas
- Ang
bulaklak ng disyerto
TAGPUAN O PANAHON
- Planetang
B-612 o 325
- Sa
Disyerto ng Sahara
- Sa
iba’t ibang planeta
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY SA AKDA
-Ang paglalakbay
ng munting prinsipe
-Pagdating
ng munting prinsipe sa daigdig
-Pagpapaalam
ng munting prinsipe
-Pagtatapos
ng kwento
Humanismo
-Nakasulat ang panitikan ng mga humanista
sa wikang angkop sa akdang susulatin. (magkakaugnay at nagkakaisang balangkas,
may buong kaisipan, nakaa-aliw, at pagpapahalaga sa katotohanan)
-Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing
na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa kultura.
Humanismo – ang humuhubog at lumilinang sa tao
-Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung
kay’t mahalagang ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapasya.
BUOD NG AKDA
Ang
nobela ay tungkol sa isang batang prinsipe na naninirahan sa isang napakaliit
na planeta kasama ang tatlong bulkan, mga umuusbong na baobab, at isang
bulaklak. Siya ay naglalakbay sa iba’t ibang planeta kung saan nakilala niya
ang hari na walang pinaghaharian, ang hambog na wala naman talagang
tumitingala, isang lasengero, isang negosyante, isang taga-sindi ng ilaw, at
isang heograpo, hanggang napadpad sa lupa, ang planetang pinaninirahan ng hindi
mabilang na hari, hambog, lasenggo, negosyante, at heograpo.
Ito ang planeta kung saan
abalang-abala ang mga matatanda sa mga bagay na para sa munting prinsipe ay
wala namang importansya. Ito rin ang planeta kung saan siya tumira nang
matagal-tagal, at nakakilala ng ahas na magbabalik sa kanya sa planetang
kanyang pinanggalingan, daan-daang mga rosas na hindi pumapantay sa ganda ng
rosas na nagpaamo sa kanya, at alamid na kanyang pinaamo. Dito niya rin
nakilala ang may-akda.
MGA MIYEMBRO:
-VALDEZ,
NEILENA MARIE
-JARANILLA,
KERR JASON
-LACADANG,
DANIELLE ANNE
-CO, DAVID
-VILLAMAYOR,
AARON
-CONWI,
ANGELIKA
No comments:
Post a Comment