Monday, November 26, 2018

PAGLISAN

PAGLISAN (Things Fall Apart, Isang nobela mula sa Nigeria)
Ni Chinua Achebe 
Ibinuod at isinalin sa Filipino ni Julieta Rivera



PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Chuna Achebe (Albert Chinualumogu Achebe) ay isang Nigerian na manunulat. Siya ay ipinanganak noong November 16, 1930, sa Igbo town ng Ogidi sa eastern Nigeria. Noong 1958, inilimbag ni Achebe ang kanyang unang libro na ang pamagat ay "Paglisan". Siya ay nanalo ng "The Man Booker International Prize in 2007". Ang nag-udyok sa kanya upang isulat ito ay ang kanyang karanasan na kung saan ang kanyang mga magulang ay nagpalit ng relihiyon na Protestant Church Mission Society. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanya sapagkat siya napagigitnaan ng tradisyunal na kultura at ng impluwensiya ng kristiyanismo.


URI NG PANITIKAN

Ang uri ng panitikan ay nobela. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pa.

LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin ng akda ay ang mag bigay aral sa mga mambabasa nito patungkol sa kultura o mga tribo mula sa bansang nigeria. Layunin din nito na maipakita ang epekto ng relihiyon sa bansa.

TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang TEMA o PAKSA NG AKDA ay labanan sa pagitan ng kultura ng katutubong Aprika at ng impluwensiya ng mga puting Kristiyanong misyonero at ng kolonyal na pamahalaan sa Nigeria.


TAUHAN SA AKDA

Ang mga tauhan sa akda ay sina: - Okonkwo (matapang at respetadong mandirigma) - Unoka (ama ni Okonkwo) - Ikemefuna (ang batang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isa pang nayon) - Ogbuefi Ezeudu (matandang taga- umuofia) - Enzinma (anak na babae ni Okonkwo) - Uchendu (tiyuhin ni Okonkwo) - Obierika (kaibigan ni Okonkwo) - G. Kiaga (interpreter) - G. Brown (lider ng mga misyonero) - Rev. James Smith (malupit at bugnuting misyonero)

TAGPUAN/PANAHON SA AKDA

Ang tagpuan ay naganap sa bansang Umuofia, Nigeria na matatagpuan sa Africa.

BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Si Okonkwo ay itinuring na pangalawang magulang ni Ikemefuna. Si Ogbuefi Ezeudu ay lihim na ipinaalam ang planong pagpatay sa bata at sinabing huwag makialam sa Okonkwo ngunit siya ay nakialam pa rin. Ang bata ay nakatakas at napasaklolo kay Okonkwo. Tinaga niya ang bata upang mapanatili ang katapangan. Lumipas ang ilang taon, namatay si Ogbuefi Ezeudu at sa pagtunog ng mga tambol ay kasabay nito ang pagputok ng baril ni Okonkwo na tumama sa anak ng yumao kung kaya't pinagbayaran niya ang kanyang kasalanan at lumisan. Lumipas ang dalawang taon, ibinalita ni Obierika na winasak ng mga puti ang abame, isa ring pamayanan sa Umuofia. Hindi naglaon, may dumating na mga misyonero sa kanilang lugar at layunin nitong dalhin ang kristiyanismo sa kanilang lugar. Lahat ng pinuno ng Umuofia ay nakatikim ng pang-aabuso. Pagkatapos makalaya, nagdesisyon silang tumiwalag at inakala ni Okonkwo na sila ay maghihimagsik. Kaya gamit ang machete, pinatay niya ang mensahero. Dumating sa lugar ni Okonkwo ang komisyoner upang imbitahan siya sa korte ngunit si Okonkwo ay nagpatiwakal.

 

KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ito ay mayroong mabigat na epekto ng kolonyalismo sa mga lokal ng africa at ito ay ang paghihimasik sa kamatayan ni okonkwo ay nagdala ng pasipikasyon ng mga primitibong tribo ng mas mababang Niger. Ang ilang aral rin dito ay huwag magpadalos-dalos sa mga bagay upang hindi ito pagsisihan sa huli. Alamin muna natin ang isang bagay bago tayo gumawa ng aksiyon.

ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA 

Ang mga istilo ng pagkakasulat ay madaling intindihin ang mga salita bagama't may ilang mga malalim at mahirap bigkasin ang ilang mga pangalan. Ang mga teorya na aming nailagay ay ang mga sumusunod:
 - HUMANISMO, sapagkat gagawin ni Okonkwo ang lahat upang mapanatili ang kanyang katapangan kahit patayin pa niya ang kanyang anak-anakan na si Ikemefuna.   
- REALISMO, sapagkat kagaya ni Okonkwo, ang mga tao ay padalos-dalos din sa mga desisyon na kanilang pinagsisisihan sa bandang huli. Gaya na lamang ng pagtaga ni Okonkwo kay Ikemefuna.  
- EKSISTENSYALISMO, sapagkat maraming desisyon ang nagawa ni Okonkwo gaya ng pagtaga kay Ikemefuna at pagpapatiwakal noong siya ay inimbitahan sa korte. 
 - MARKSISMO, sapagkat ipinapakita sa storya na ang katapangan ay pinahahalagahan at kapag mahina ka, talunan ka gaya na lamang ng pagtakip ni Okonkwo ng kanyang katapangan sa kanyang ama na sa tingin niya ay mahina.

BUOD NG AKDA

Si Okonkwo ay may anak-anakan na nagngangalang Ikemefuna ngunit ito ay kanyang tinaga upang mapanatili ang kanyang katapangan. Lumipas ang maraming taon nabalitaan niyang namatay si Ogbuefi Ezeudu. Napatay ni Okonkwo ang anak ng yumao sa pagpupulong. Dumating ang mga misyonero sa kanilang lugar upang ipalaganap ang kristiyanismo. Sinunog ng Egwugwu ang simbahan kaya humiling ng pagpupulong ang mga misyonero. Nakatikim ng pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia kaya sila tumiwalag at inisip ni Okonkwo na sila ay maghihimagsik. Napatay ni Okonkwo ang mensahero at noong ipapatawag na siya sa korte, siya ay nagpatiwakal.

No comments:

Post a Comment

Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota

           Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota Pagkilala sa may-Akda                        -Si Saadat Noury ay isang Iran...