Tuesday, November 27, 2018

Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota

          Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota

Pagkilala sa may-Akda
                       -Si Saadat Noury ay isang Iranian author, makata, at isang mamamahayag
                            Ang kaniyang buong pangalan ay Manhchehr Saadat Noury. Siya ay ipinanganak                                  Noong 1939 sa Tehran, Iran.


Uri ng Panitikan-
               -Ang "Mullah Nassredin" ay isang uri ng Anekdota dahil ito ay nakabatay sa personal              Karanasan ng manunulat na kalimitan ay nakakahiya o nakakatuwa ngunit may aral.

Layunin ng may Akda-
                       -Ang layunin ng may akda ay maibahagi ang kaniyang personal na karanasan at                              makapagpasaya sa mga Iranian o mga tao sa pamamagitan ng pagsulat niya ng mga                              Anekdota.

Tema o Paksa ng may Akda-
              -Ang paksa tema o paksa ng anekdotang "Mullah Nassredin" ay katatawan. Ang                        katatawanan ay lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kaniyang bibig.

 Mga Tauhan/Karakter sa Akda-
             1. Si mullah- Si mullah ang naimbitahan upang magbigay ng talumpati
                    2. Mga Tao- Ang mga tao naman ang mga dumalog sa talumpati ni Mullah Nassredin
 Tagpuan/ Panahon-
             


Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari
            Pangunahing pangyayari-  Ipinakilala si Mullah Nassredin
                 Tunggalian- Tao laban sa tao
                 Kasukdulan- Umalis si Mullah matapos niya sabihin na kung hindi nila alam ang gaagwin                   niya ay hindi niya pagaaksayahan ng panahon ang magbigay ng talumpati.
                 Kakalasan o Pababang aksyon- Umalis si Mullah matapos niya sabihin sa mga tao na                           kung alam na nila ang kaniyang gagawin ay wala na dapat siyang sabihin.
                 Wakas ng Pangyayari- Sinabi niya sa mga tao na dapat sagutin ng mga taong may alam                      ang mga taong walang alam sa kaniyang gagawin.
 Mga kaisipan o Ideyang taglay ng Akda-
           Ang akdang tungkol sakaniya ay naghahatid ng isang praktikal na kaisipan. Mababasa mo sa akda kung gaano ka totoo si Mullah. Siya ay isang mangkukukwento ng katatawanan at pinangangatawanan niya ito sa totoong buhay.

 Istilo ng Pagkakasulat ng may Akda/ Teoryang Pampanitikan-
                 Bayograpikal- Dahil nailalantad ang ilang bahagi ng buhay ng                                                           manunulat at sinasalamin ng akda ang katauhan ng manunulat na nakadaragdag sa                               kagandahan at kaisipan nito.
                Sikolohikal- Dahil ipinakita sa akda na ang tao ay nagbago ang ugali dahil may nag-udyok                 na mabago o mabuo ito.
                Pisikal- Dahil ang akda ay tumatak sa mga tao lalo na sa mga Iranian.
             
               


Buod-
        Inanyayahanan si Mullah Nasserdin upang magsalita at magtalumpati sa harap ng naraming tao. Sa kaniyang pagsisimula ay nagtanong si Mullah, “Alam ba nino ang aking sasabihin?” Marami ang sumagot nang “Hindi.” Sumagot naman siya at sinabing “Wala akong panahong magsalita sa mag taong hindi alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis at iniwang napahiya ang marami. Kinabukasan ay inimbitahan siyang muli. Muli niyang tinanong ng kaparehong tanong ang mag tao at sa pagkakataong ito ay sumagot sila ng “Oo.” Sumagot si Mullah Nasserddin at sinabing “Kung alam na pala ninho ang aking sasabihin ay hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” at suya ay umalis. Nalito ang lahat sa kanyang sagor kaya inimbitahan nila ito muli. Sa ikatlong beses ay tinanong ni Mullah Nasserddin, “Alam ba nino ang aking sasabihin?” Kalahati ng mga dumalo ay sumagot ng “Hindi” at kalahati naman ay “Oo.” Sumagot siya at sinabi, “Ang kalahati ay alam na ang aking sasabihin, kaya’t kayo na ang magsabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis.
                 
                                   

Monday, November 26, 2018

Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay

Pagkilala sa May-Akda
                       -Ang akdang ito ay akda na ng bayan ng Uganda. Hindi narin ito ma-trace. Ang akda ay napunta sa bayan ng Uganda at ito ay patuloy na binabasa.

Uri ng Panitikan
            -Ang uri ng panitikan ng "Awit ng Ina sa kanyang Panganay" ay Tula. Sa bahagi ng tula ay isang malayang uri ng tula sapagkat may taludturan pero walang sukat at tugma. May bahagi namang di-malayang tula dahil meron itong saknong,sukat,tugma at ginagamitan ito ng malalalim na pananalita.

Layunin ng Akda
                -Ang layunin ng akda na maipakita sa mga Ina na kailangan na kahit sanggol pa lamang ang kanilang mga panganay ay alam na nila kung ano dapat ang makakabuti at pangarap nila sa kinabukasn ng kanilang anak, at kung paano dapat nila bigyang halaga ang kanilang panganay na anak, dahil ito ang magbibigay paga-asa o ang makakatulong sa kanila para sa ika-uunlad ng kanilang pamilya, lalong-lalo na ito ang maaasahan pagdating sa pag-aalaga ng kaniyang mga kapatid kung sakali.
                -Maingat na pagpili ng ina sa pangalan ng anak.
                -Pangarap ng ina para kanyang anak.
                -Panghuhula ng ina sa magandang kinabukasan ng anak.
               -Positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang magulang.

Tema o Paksa ng Akda
                    -Ang Didinga ng Uganda ay naniniwalang ang kanilang supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda
  •  Ina- Mapagmahal at mapagkalinga na ina.
  • Ama- Ang inihahambing o inuugnay sa anak.
  • Anak- nagbibigay kasiyahan sa ina.
Tagpuan/Panahon
        -Ang tagpuan ng akdang ito ay sa tahanan dahil kinakausap ng Ina ang sanggol nangtaimtim. 
        -Ang tulang ito ay nanggaling sa Uganda. Ang akdang ito ay pagmamay-ari ng Uganda.

Nilalaman/Balangkas ng mga Pangyayari
  • Pangunahing Pangyayari- Ang pangunahing pangyayari ay ang pagkausap ng Ina sa kanyang panganay na sanggol at kung paano niya ito ilarawan ng katangian ng isang mandirigma na mamumuno sa kalalakihan.
  • Tunggalian- Tunggalian sa sarili.
  • Pagtaas ng pangyayari- Ang pasidhi ng pangyayari ay pag-iisip ng maganda pangalan ng Ina para sa kanyang sanggol, pangalan na hindi dapat ikahihiya dahil ito ang kanilang panganay na anak.
  • Kasukdulan ng pangyayari- Ang kasukdulan ng pangyayari ay paglalarawan ng Ina sa kanyang sanggol na wari'y isa tiong napakaespesyal o kagalang-galang na sanggol at ang paghehele ng Ina sa anak.
  • Kakalasan o Pababang aksyon- Ang kakalasan ng pangyayari ay sinasabi ng Ina kung gaano sila kamahal ng ama ng kanyang panganay na anak na asawa niya.
  • Wakas ng Pangyayari- Ang wakas ng pangyayari ay sinasabi ng Ina sa kanyang panganay na anak na siya ang inspirasyon at nagbibigay lakas sa kangayang ama upang maipanalo ang laban sa digmaan upang makabalik sa kanila ng nakangiti at masaya, sinabi rin ng ina upang gaano siya nalulumbay na siya ang ina nito.
Teoryang Pampanitikan

  • Realismo- Dahil normal na sa atin na isipin agad ang patutunguhan ng sanggol.
  • Eksistensyalismo- Dahil may kalayaan ang Ina na mag desisyon ng ipapangalan niya sa kanyang sanggol.
  • Imahismo-  Napapakita ang paggamit ng imahinasyon dahil iniisip ng Ina ang kinabukasan ng sanggol.
Buod
                         -Ang anak ay biyaya mula sa Diyos ayon sa mga magulang ng mga Didina ng Uganda. Ipinagdiriwang nila ang pagpili ng pangalan ng kanilang isinilang na anak. Sa tulang ito nabanggit din ang mga tradisyon na naniniwala.

PAGLISAN

PAGLISAN (Things Fall Apart, Isang nobela mula sa Nigeria)
Ni Chinua Achebe 
Ibinuod at isinalin sa Filipino ni Julieta Rivera



PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Chuna Achebe (Albert Chinualumogu Achebe) ay isang Nigerian na manunulat. Siya ay ipinanganak noong November 16, 1930, sa Igbo town ng Ogidi sa eastern Nigeria. Noong 1958, inilimbag ni Achebe ang kanyang unang libro na ang pamagat ay "Paglisan". Siya ay nanalo ng "The Man Booker International Prize in 2007". Ang nag-udyok sa kanya upang isulat ito ay ang kanyang karanasan na kung saan ang kanyang mga magulang ay nagpalit ng relihiyon na Protestant Church Mission Society. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanya sapagkat siya napagigitnaan ng tradisyunal na kultura at ng impluwensiya ng kristiyanismo.


URI NG PANITIKAN

Ang uri ng panitikan ay nobela. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at iba pa.

LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin ng akda ay ang mag bigay aral sa mga mambabasa nito patungkol sa kultura o mga tribo mula sa bansang nigeria. Layunin din nito na maipakita ang epekto ng relihiyon sa bansa.

TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang TEMA o PAKSA NG AKDA ay labanan sa pagitan ng kultura ng katutubong Aprika at ng impluwensiya ng mga puting Kristiyanong misyonero at ng kolonyal na pamahalaan sa Nigeria.


TAUHAN SA AKDA

Ang mga tauhan sa akda ay sina: - Okonkwo (matapang at respetadong mandirigma) - Unoka (ama ni Okonkwo) - Ikemefuna (ang batang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isa pang nayon) - Ogbuefi Ezeudu (matandang taga- umuofia) - Enzinma (anak na babae ni Okonkwo) - Uchendu (tiyuhin ni Okonkwo) - Obierika (kaibigan ni Okonkwo) - G. Kiaga (interpreter) - G. Brown (lider ng mga misyonero) - Rev. James Smith (malupit at bugnuting misyonero)

TAGPUAN/PANAHON SA AKDA

Ang tagpuan ay naganap sa bansang Umuofia, Nigeria na matatagpuan sa Africa.

BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Si Okonkwo ay itinuring na pangalawang magulang ni Ikemefuna. Si Ogbuefi Ezeudu ay lihim na ipinaalam ang planong pagpatay sa bata at sinabing huwag makialam sa Okonkwo ngunit siya ay nakialam pa rin. Ang bata ay nakatakas at napasaklolo kay Okonkwo. Tinaga niya ang bata upang mapanatili ang katapangan. Lumipas ang ilang taon, namatay si Ogbuefi Ezeudu at sa pagtunog ng mga tambol ay kasabay nito ang pagputok ng baril ni Okonkwo na tumama sa anak ng yumao kung kaya't pinagbayaran niya ang kanyang kasalanan at lumisan. Lumipas ang dalawang taon, ibinalita ni Obierika na winasak ng mga puti ang abame, isa ring pamayanan sa Umuofia. Hindi naglaon, may dumating na mga misyonero sa kanilang lugar at layunin nitong dalhin ang kristiyanismo sa kanilang lugar. Lahat ng pinuno ng Umuofia ay nakatikim ng pang-aabuso. Pagkatapos makalaya, nagdesisyon silang tumiwalag at inakala ni Okonkwo na sila ay maghihimagsik. Kaya gamit ang machete, pinatay niya ang mensahero. Dumating sa lugar ni Okonkwo ang komisyoner upang imbitahan siya sa korte ngunit si Okonkwo ay nagpatiwakal.

 

KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ito ay mayroong mabigat na epekto ng kolonyalismo sa mga lokal ng africa at ito ay ang paghihimasik sa kamatayan ni okonkwo ay nagdala ng pasipikasyon ng mga primitibong tribo ng mas mababang Niger. Ang ilang aral rin dito ay huwag magpadalos-dalos sa mga bagay upang hindi ito pagsisihan sa huli. Alamin muna natin ang isang bagay bago tayo gumawa ng aksiyon.

ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA 

Ang mga istilo ng pagkakasulat ay madaling intindihin ang mga salita bagama't may ilang mga malalim at mahirap bigkasin ang ilang mga pangalan. Ang mga teorya na aming nailagay ay ang mga sumusunod:
 - HUMANISMO, sapagkat gagawin ni Okonkwo ang lahat upang mapanatili ang kanyang katapangan kahit patayin pa niya ang kanyang anak-anakan na si Ikemefuna.   
- REALISMO, sapagkat kagaya ni Okonkwo, ang mga tao ay padalos-dalos din sa mga desisyon na kanilang pinagsisisihan sa bandang huli. Gaya na lamang ng pagtaga ni Okonkwo kay Ikemefuna.  
- EKSISTENSYALISMO, sapagkat maraming desisyon ang nagawa ni Okonkwo gaya ng pagtaga kay Ikemefuna at pagpapatiwakal noong siya ay inimbitahan sa korte. 
 - MARKSISMO, sapagkat ipinapakita sa storya na ang katapangan ay pinahahalagahan at kapag mahina ka, talunan ka gaya na lamang ng pagtakip ni Okonkwo ng kanyang katapangan sa kanyang ama na sa tingin niya ay mahina.

BUOD NG AKDA

Si Okonkwo ay may anak-anakan na nagngangalang Ikemefuna ngunit ito ay kanyang tinaga upang mapanatili ang kanyang katapangan. Lumipas ang maraming taon nabalitaan niyang namatay si Ogbuefi Ezeudu. Napatay ni Okonkwo ang anak ng yumao sa pagpupulong. Dumating ang mga misyonero sa kanilang lugar upang ipalaganap ang kristiyanismo. Sinunog ng Egwugwu ang simbahan kaya humiling ng pagpupulong ang mga misyonero. Nakatikim ng pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia kaya sila tumiwalag at inisip ni Okonkwo na sila ay maghihimagsik. Napatay ni Okonkwo ang mensahero at noong ipapatawag na siya sa korte, siya ay nagpatiwakal.

Long Walk To Freedom

 Long Walk To Freedom

(sanaysay mula sa South Africa)
ni Mielad Al Oudt Allah
Salin ni Marina Gonzaga-Merida

    1.)    Pagkilala sa may-akda
a.            Ang may-akda ay si Mielad Al Oudt Allah. Siya ay nag-aaral noon ng kanyang Master’s degree sa larangan ng politika nang likhain niya ang isang sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na “Long Walk To Freedom” upang ihanda ang kanyang kakayahang maging pinuno at tinitingnan niya kung paano maaapektuhan ng akda ang kanyang buhay.
    2.)    Uri ng panitikan
a.            Ang uri ng panitikan ay isang sanaysay. Ito ay nagpapakita ng kaisipan at nagtuturo ng aral at maihahalintulad ito sa pagkuha ng may akda (Mielad Al Oudt Allah) ng inspirasyon kay Nelson Mandela at pagkuha ng aral mula sa akdang “Long Walk To Freedom”.
    3.)    Layunin ng akda
a.            Isinulat ang sanaysay na ito upang magsilbing aral sa mga taong makakabasa nito. Ang kwento ni Nelson Mandela na siyang paksa sa sanaysay ay maaaring magsilbing inspirasyon ukol sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa mundo.
    4.)    Tema/Paksa ng akda
a.            Ang tema o paksa ng akda ay patungkol sa paglaban sa diskriminasyon at pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay na pananaw sapagkat ipinapakita rito na hindi kailanman naging at magiging basehan ang kulay o lahi sa kalayaan ng bawat isa.
    5.)    Mga Tauhan/Karakter sa akda
a.       Nelson Mandela
                                                               i.  Siya ay isang anti-apartheidrevolutionary, lider ng pulitika, at pilantropo ng South Africa na nagsilbi bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Siya ang unang itim na pinuno ng bansa at ang unang inihalal sa isang ganap na kinatawan ng demokratikong halalan. Siya ang nagsilbing inspirasyon ni Mielad Al Oudt Allah sa paglikha ng sanaysay.
    b. Gadla Henry Mphakanyiswa
               i.  Siya ang ama ni Nelson Mandela na siyang pinuno ng bayan ng Mrezo. Ang maagang pagkamatay ng kanyang ama ay isa sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Mandela na iwan ang kinagisnang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
    c. Noqaphi Nosekeni
               i. Siya ang ina ni Nelson Mandela. Ang kagustuhan ng kanyang ina na magkaroon siya ng magandang kinabukasan ay isa rin sa mga dahilan kung bakit kinailangan ni Mandela na iwan ang kinagisnang nayon at mamuhay sa bagong kapaligiran.
    d. Gobernador Mqhkezweni
              i. Nakaimpluwensiya kay Nelson Mandela sa diwa ng demokrasya na nangangahulugang ang lahat ay pantay-pantay                                    

6.) Tagpuan/Panahon
                     a. maliit na nayon sa rehiyon ng Transkei
                                i. Dito isinilang si Nelson Mandela.
                     b. bayan ng Mrezo
                  i. pook kung saan namumuno ang ama ni Nelson Mandela na si Gadla Henry Mphakanyiswa
                     c. Unibersidad ng South Africa
                                i. Paaralan kung saan nagtapos ng Bachelor of Arts si Nelson Mandela
                     d. minahan ng karbon sa Johannesburg
             i. pansamantalang naghanap ng trabaho si Nelson Mandela kasama ang isang kaibigan.
                     e. Johannesburg
                                 i. pook kung saan nakatayo ang sarili niyang kompanya ng panananggol (law firm)   na nagbigay ng mababa at libreng serbisyong legal sa mga “itim” na kadalasang walang tagapagtanggol.
                     f. South Africa
                                 i. bansang kanyang (Nelson Mandela) pinamunuan.
         

  7.) Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
                     a.) Panimula
                            - Introduksyon at pagsasalarawan ng mga suliraning kinakaharap ng South Africa. Dito rin sinimulang ipakilala si Nelson Mandela at ang kanyang talambuhay. Ito ay nagtatapos sa pagsisimula ng pagsasalaysay ng buhay ni Nelson Mandela.
                     b.) Saglit na kasiglahan
                            - Nagsimula ito sa pagsasalaysay ng buhay ni Nelson Mandela at pagpapakilala sa kanyang mga magulang at sa kanilang mga suliranin.
                      c.) Tunggalian (tao laban sa kapwa)
                            - Ipinaglalaban ni Nelson Mandela ang diwa ng pagkakapantay-pantay, kahit sino pang kumalaban sa kanya ay patuloy niyang pinapatunayan at ipinaglalaban ang karapatan ng bawat isa na hindi nababase ang antas ng tao depende sa kanyang kulay o lahi.
                      d.) Kasukdulan
                           - Dito ipinapakita ang mga suliranin na humubog sa pagkatao ni Nelson Mandela at ang mga mabibigat na karanasang naging pangunahing salik sa pagbuo ng kanyang katauhan at panuntunan sa buhay.
                      e.) Kakalasan
                           - Dito na isinalaysay ang narating sa buhay ni Nelson Mandela at dito rin ipinapakita ang patuloy na paglaban niya sa diskriminasyon.
                      f.) Wakas
                          - Dito na ipinaliwanag na ang kanyang kabataan ay puspos ng pagmamahal sa kabila ng mapanghamon na buhay. Dito isinalaysay ang kanyang hangarin na ipagtanggol at ipaglaban ang kalayaan ng South Africa.


8.) Mga Kaisipan o Ideyang taglay ng akda
                - Taglay nito ang ideya na ipakita sa mga mambabasa na hindi kailanman naging basehan ang kulay, lahi, at kultura upang magkaroon ng kalayaan at boses ang bawat isa. Ang isa pang ideyang taglay nito ay ang pagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao at para ikintal sa mga kaisipan ng bawat isa na mayroong mga taong maaaring makatulong at magsilbing inspirasyon sa atin.


9.) Istilo ng pagkakasulat ng akda/teoryang pampanitikan
                - Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay nasa istilo ng pagsasalaysay.

Teoryang Pampanitikan
      1.)    Humanismo – naipapakita sa akda na tao ang sentro nito at diskriminasyon ang pangunahing suliraning kinakaharap.
      2.)    Realismo – Ipinapakita ang hindi pantay na pagtrato ng mga “puti” sa mga “itim” at sila ay nadidiskrimina sa kadahilanang sila ay “itim”.  Dito naipapakita ang kawalan ng katarungan.
      3.)    Sosyolohikal – Naipapakita ang ugnayan ng tao (Nelson Mandela) sa lipunan. Ang pangunahing suliraning panlipunan ay kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan.


10.) Buod
               
-    Laganap ang opresyon at ang diskriminasyon sa South Africa. Matagal nang dinadanas ng South Africa ang suliraning ito. Ang talambuhay ni Nelson Mandela ay nagbibigay-linaw sa kanyang ambag sa mundo sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa.
Ang kanyang aklat ang humihikayat kay Mielad Al Oudt Allah na may nakatagong “Nelson Mandela” sa bawat isang tao na naghihintay ng tamang oras at tamang pagkakataon para umusbong. Hindi naging madali ang kabataan ni Mandela at dahil sa mga pagsubok ng buhay ay nahubog at tumibay ang kanyang pagkatao at patuloy na ipinaglaban ang tama.
Lumaki si Mandela sa mundo na kung saan hindi pantay ang pagtingin sa tao. Ang kanyang pantay na pananaw at malakas na paninindigan sa buhay ang siyang nagsaayos ng lahat. Dito naipapakita na ang pananaw sa buhay ng isang tao ay maaaring bumago sa pananaw ng buong mundo.
 

BAWAL ANG ANAK NA LALAKI



BAWAL ANG ANAK NA LALAKI
ni Aaron Shepard
Isang epiko mula sa Congo


PAGKILALA SA MAY AKDA:

Si Aaron Shepard ay isang tanyag na manunulat ng The Legend of Lightning Larry, The Sea King’s Daughter, The Baker’s Dozen, at marami pang iba tulad ng mga pambatang libro. Ang kaniyang mga sulatin ay lumabas na rin sa Cricket  at  Australia’s School Magazine.

Tanyag  at kilala si Aaron sa pagbabaliksaysay o “retold” ng mga kuwentong bayan at tradisyonal na literatura ng iba’t ibang bansa sa buong mundo. 

Ang kaniyang mga gawa ay kinilala ng American Library Association, National Council for the Social Studies, the American Folklore Society, the New York Public Library, at ang Bank Street College of Education. Ang kaniyang mga istorya ay nababasa at kinikilala ng marami lalu na sa mga kabataan, matatanda at mga taong nag-aaral ng tradisyunal na literatura.


  URI NG PANITIKAN:

·        Ang istoryang “Bawal ang Anak na Lalaki” ay isang epiko na nagpapakita sa pakikipagsapalaran ng tauhan at mahabang tula na mula sa sinaunang pasaling tradisyon. 

  LAYUNIN NG MAY AKDA:

·        Nais ng akda na ipahayag at imulat ang mga tao na mayroon at hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon ang bawat lahi sa pagkakaroon ng lalaki o babae man na anak. Ang bawat magulang ay dapat mahalin ang anak at ang bawat anak ay dapat mahalin ang magulang.

   TEMA O PAKSA NG AKDA :

·        Ito ay nagpapakita sa tema patungkol sa pamilya, tradisyon, at kultura ng Afrika mula sa Congo.

  MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA:

  •        She-Mwindo- Datu ng isang nayon na mayroong pitong asawa at nais lamang magkaroon ng babaeng anak at ipinagbabawal ang anak na lalaki.

  •        Mwindo- Natatanging anak na lalaki ni She-Mwindo. Ipinanganak na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi.

  •         Tiya Iyangura- Tiya na Mwindo na kapatid ni She-Mwindo na lubos na tumanggap kay Mwindo.

  •         Ang paboritong asawa- Paboritong asawa ni She-Mwindo sa lahat ng pitong asawa na ina ni Mwindo.


  TAGPUAN/ PANAHON:

  •  Nayon ng Tubondo- Kung saan namumuno ang datu at ipinanganak si Mwindo.
  •  Ilog / Pampang- Kung saan pinaanod ang bariles na naglalaman ng sanggol na si Mwindo.


  NILALAMAN/ BALANGKAS NG PANGYAYARI:

·        Simula:

 -May dakilang datu na nagngangalang She-Mwindo mula sa nayon ng Tubondo. Isang araw ay ipinatawag niya ang kanyang mga taga payo, pitong asawa at mga mamamayan na kaniyang nasasakupan. Inanunsyo ng datu na anak na babae lamang ang kanyang tatanggapin at kung magkagayon na magkaroon siya ng lalaking anak ay kaniya itong papatayin.

·        Saglit na Kasiglahan:

-Sabay-sabay na nabuntis at naisilang ang anim na anak na babae. Nahuli sa paglabas si Mwindo at hindi inaasahang paglabas nito sa pusod ng kaniyang ina. Nagpakilala itong si Mwindo habang nagtatatakbo tangan ang isang conga.

Tunggalian:

Hindi lumabas agad ang anak na si Mwindo sa kadahilanang hindi siya katanggap tanggap para sa kaniyang ama. Nasaksihan ng datu ang kakaibang sanggol na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi kaya’t sinibat niya ito. Hindi tinamaan ang sanggol, lahat ng paraan upang mapatay ito ay hindi naging posible tulad ng paglilibing at pagpapaanod sa ilog. Pumunta si Mwindo sa kanyang Tiya Iyangura at doon ay tinanggap siya.

Kasukdulan:

Lumaki si Mwindo at nagbalak na kalabanin ang kaniyang ama. Isinama niya sa nayon ang mga tagapagsilbi, mga musikero, at isang tambulero. Umawit at sumayaw sila na pinangunahan ni Mwindo. Nagpakilala ito na ikinagulat ng kaniyang ama. Inutusan ni She-Mwindo na sibatin si Mwindo ngunit hindi ito natamaan. Sinubukan siyang gapiin sa pamamagitan ng sibat at pagdaluhong sa kaniya ngunit ang conga ang nagpatumba sa mga tauhang kalalakihan. 

Kakalasan:

Nagtagumpay si Mwindo sa pagsubok sa kaniyang ama. Tumakas ang kaniyang ama ngunit tumakbo siya ng mabilis upang mahabol niya ito. Nahabol at nahuli niya ang kaniyang ama sa pag-aakala nitong ito na ang kaniyang katapusan. 
·       

 Wakas:

-Bumalik sa nayon si Mwindo at ang kaniyang ama. Nagkapatawaran ang mag-ama at tinanggap ng Datu ang anak na si Mwindo. Naging masaya ang lahat na makita sila at napagtanto ng amang datu na dapat pahalagahan ang anak, babae man o lalaki dahil bawat isa ay biyaya at isang kahanga-hangang anak na lalaki si Mwindo.




   MGA KAISIPAN/ IDEYANG TAGLAY NG AKDA:
  • Ang pagkakaroon ng kaugalian ng mga taga Congo na Polygyny o pagkakaroon ng maraming asawa ng lalaki.
  • Ang polygyny ay pinapayagan sa batas ngunit ang polyandry o pag-aasawa ng marami ng isang babae ay ipinagbabawal.
  • Mayroong tinatawag na bride price o pagbibigay ng malaking halaga ng pera ng pamilya ng lalaki upang maikasal sa anak na babae. Tinatawag na dowry sa ibang kultura, tulad ng dote sa Pilipinas.
  • Ang pagiging makapangyarihan at kakaibang sanggol ni Mwindo ang naging susi para mapatunayan na hindi dahilan ang pagiging lalaki para siya’y hindi matanggap ng kaniyang ama.


  ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:

·        Ang akda ay mayroong istilo sa pagsulat ng epiko kung saan nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ni Mwindo at paraang patula sa parte ng pagpapakilala at pagpapahayag ni Mwindo.

TEORYANG PAMPANITIKAN:

  • Realismo- Naipakita na mayroong mga anak na hindi nakakatanggap ng pagmamahal at pagtanggap mula sa kanilang sariling mga magulang.
  • Eksistensyalismo- Ang pagdedesisyon ni Mwindo na iwan ang kaniyang totoong ama at ina upang pumunta sa kaniyang Tiya dahil doon ay matatanggap siya.
  • Marksismo-Mayroong diskriminasyon ang amang si She-Mwindo sa pagitan ng anak na babae at lalaki.
  • Sosyolohikal- Ang mga paniniwala sa pagkakaroon ng anak ay likha ng kasaysayan, kultura, ideolohiya at kaisipan ng lipunan at kapaligiran sa akda.
  • Moralistiko- Pinili ni Mwindo na huwag patayin at parusahan ang kaniyang ama, bagkus ay patawarin ito pagkatapos harapin ang pagsubok at kagustuhan ng kaniyang ama na siya’y patayin.
  • Historikal- Ang istorya ay umiikot sa kasaysayan at nakagawiang kultura ng mga taga Congo.


 BUOD:

May dakilang datu na nagngangalang She-Mwindo mula sa nayon ng Tubondo. Isang araw ay ipinatawag niya ang kanyang mga taga payo, pitong asawa at mga mamamayan na kaniyang nasasakupan. Inanunsyo ng datu na anak na babae lamang ang kanyang tatanggapin at kung magkagayon na magkaroon siya ng lalaking anak ay kaniya itong papatayin. Sabay-sabay na nabuntis at naisilang ang anim na anak na babae. Hindi lumabas ang anak na si Mwindo dahil sa hindi siya katanggap tanggap para sa kanyang ama. Nasaksihan ng datu ang kakaibang sanggol na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi kaya’t sinibat niya ito. Hindi tinamaan ang sanggol, lahat ng paraan upang mapatay ito ay hindi naging posible tulad ng paglilibing at pagpapaanod sa ilog. Pumunta si Mwindo sa kanyang Tiya Iyangura at doon ay tinanggap siya. Si Mwindo ay lumaki at nagbalak na kalabanin ang kaniyang ama. Sinubukan siyang gapiin sa pamamagitan ng sibat at pagdaluhong sa kaniya ngunit ang conga ang nagpatumba sa mga tauhang kalalakihan. Tumakas ang kaniyang ama ngunit hinabol niya ito. Ipinahayag ni Mwindo na hindi niya papatayin ang kaniyang ama. Nagkapatawaran ang mag-ama at tinanggap ng Datu ang anak na si Mwindo.


Sanggunian: http://www.aaronshep.com/stories/057.html
                     http://www.aaronshep.com/author/intro.html
                     Sangguniang libro: Bulwagan:Kamalayan sa Gramatika at Panitikan

Miyembro:  Ong, Alyanna
                    Miravalles, Aitana
                    Tanagon, Desiree
                    Lopez, Dianne
                    De Leon, Paolo
                    Rivera, Jeremy

Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota

           Mullah, ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota Pagkilala sa may-Akda                        -Si Saadat Noury ay isang Iran...